Ano nga ba ang mayroon sa isang spaghetti na kulay puti? At amoy pa lang e, mapapatakam ka talaga. Ang carbonara ay isang putaheng nagmula sa Italy, na syempre ginawa ng mga Italyano. sinasamahan ng iba-ibang sangkap tulad ng bacon, mushroom, manok, at gatas. Dahil sa mga taong nagiimbento ng kapalit sangkap para makamura, o pagka natripan lang ay pinapalitan nila ang sangkap ng corned beef o kaya tuna. Pero ano nga ba ang mayroon sa Carbonara ni Mamma na nagppaiba sa lahat? Noong bata pa ako, ang gusto ko talaga ay yung simpleng luto lang na spaghetti yung kulay pula. Tuwing makakakita ako ng carbonara noon nandidiri ako dahil sa kanyang itsura, kulay puti. Parang ako lang, namumutla. pero nung natikman ko yon, kinalimutan ko na ang iba kong gusto. Wika nga ni ina, nakalimutan mo pangalan mo noh? pero dahil paminsan minsan ay sutil akong anak ang isinasagot ko pa ay ang buo kong pangalan at iispell ko pa. Ngunit masarap talaga siya,tipong kaya kong kainin kahit araw-araw.
Minsan ay nasubukan ko na din magluto ng carbonara, dahil ako ay nacurious kung bakit ganun ang lasa. Ngunit, ako ay nasawi. Hindi siya naging kasing sarap ng luto ng aking ina. Siguro ang masasabi kong sikreto ni mommy ay yung pagmamahal niya para sa amin. Na ginagawa niya iyon para sa amin. Nalasap namin ang pagmamahal niya hindi lamang sa mga salita, o aksyon kundi sa kanya ding pagluluto. Tunay nga naman na kay sarap ng pagmamahal ng isang ina.
- Pamela Alexis Young
1T1
